"In the dark times, will there also be singing? Yes, there will be singing about the dark times." - Brecht
achieving happiness
adarna's attic
aparador ni lisa
apartment sa dapitan
awake in the interregnum
bathatula
d adventyurs of brown siopao
essays and other lullabies
grinday
jumpcut
ka-blog!
kapirasong kritika
karl's deviantart
lilypad
luisteodoro.com
malu's blog
mongster's nest
na(g)wawala
necessary agitations
newsroom barkada
over smoke and agitation
prop guide
rebyuhan
silip ni bagwis
the cheeky apartments
the e. san juan jr. archive
the works of edel garcellano
this camera is a curse
to be a woman is to live in a time of war
tonyo
yinsu
today
September 2008
July 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
October 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
today
September 2008
July 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
October 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
Murder She Wrought / 23 Nov 05
Little Earthquakes at Roxas Boulevard / 13 Nov 05
Politics, Pop Culture and Leonard Cohen / 22 Oct 05
A Seige of Mendiola / 15 Oct 05
On TV Cops and Lawyers (And On Drawing the Naked Blade) / 12 Oct 05
Arrogance of Writers / 28 Sept 05
Rule of (Martial) Law, Anyone? / 21 Sept 05
Joni's Lonely Road to Freedom / 18 Aug 05
Hindi Basta Gudtaym / 18 Aug 05
Shaping Up Before Shipping (Her) Out / 31 Jul 05
I was in the Office Working the Entire Time Neil Gaiman was in the Philippines / 17 Jul 05
Masa and the Yuppie / 9 Jul 05
A Blogger's Mortal Sin: Infrequent Updating / 2 Jul 05
Beyond Da Vinci (Or the Beginning and End of My Days of Piety) / 7 Jun 05
'Laguardia' of Morality and Status Quo / 29 May 05
Rilke Writes Pimples / 12 May 05
Picking a Fight with the 'great' Sheila Coronel? / 12 May 05
Lurking (A Short Story) / 4 May 05
Ang Katutubo at ang Tubong Sampaloc / 27 April 05
Ay, ay Kordilyera! / 20 Apr 05
Cinema at Divisoria / 14 Apr 05
visited *loading* times
Hanggang sa sinusulat ang artikulong ito, hindi pa rin gumigising si sir Monico “Nic” Atienza. Hindi na siya naka-respirator pero wala pa ring malay, hindi namin alam kung nakakarinig siya o nakadarama. Gayunman, may mga pagkakataong kapag kinakausap, laluna ng malalapit sa kanya, may luhang gumigiti mula sa kanyang mata.
Gabi ng Disyembre 23, 2006, sa burol ng isang dating kasapi ng Panday Sining sa Loreto Church sa Bustillos, Maynila, nabahala ang kanyang mga kasamahan sa First Quarter Storm Movement nang si sir Nic ay hindi na makahinga. Isinugod siya sa kalapit na Mary Chiles Hospital, at doon inatake. Noon din lang nalaman na may tumor na nakabara sa kanyang lalamunan, ang sanhi ng santaong pagkawala ng kanyang boses at hirap sa paghinga, na inakalang hika. May 25 minutong sinikap ng mga doktor at nars na maibalik ang tibok ng kanyang puso.
Humugos ang tao sa Mary Chiles. Maging nang ilipat siya sa Philippine General Hospital, walang tigil ang dating ng mga bisita. Takang-taka ang mga guwardiya at kawani: Sino ang pasyenteng ito na hindi namin kilala pero mukhang importanteng tao? Hindi kataka-takang dagsa ang mga nagmamalasakit, pagkat pambihirang tao si sir Nic.
Marami na ang nasabi ukol sa kanya nitong mga nakaraang linggo. Kuwento ni Hermie Garcia, kababata at aktibista noong dekada 60, si sir Nic ay presidente ng klase at konseho at valedictorian noong 1964 sa kanilang batch sa Far Eastern University Boys’ High School. Tinitingala siya ng mga kapwa mag-aaral at guro, at inaasahang magtatagumpay sa karerang pipiliin niya.
Ngunit kaibang karera, kung matatawag mang ganoon, ang pinili niya. Tulad ng maraming kabataan noong panahong iyon, naakit siya sa aktibismo – sa isang paraang hindi natularan sa kanyang henerasyon. Sa hayskul, sineryoso ni sir Nic ang pag-aaral ng kasaysayan. Paborito niyang personahe sina Rizal, Bonifacio, Del Pilar. Binabasa niya sina Recto, Agoncillo, Tañada. At nagsimula na rin siyang magbasa ng mga akda nina Marx at Lenin, kahit, pagtatapat niya, hindi niya masyadong naiintindihan.
Nang magkaroon ng pagkakataong magbiyahe sa ibang bansa, sinunggaban niya iyon, kasama ng dalawang kabarkada. Noon, 1965, walang relasyong diplomatiko ang Pilipinas sa nasabing bansa. Katunayan, bawal magpunta sa bansang iyon, na walang iba kundi ang Komunistang Tsina. Doon namulat si sir Nic sa isang lipunan at ideolohiyang “bawal ngunit bakit makatao at makatarungan.” Matapos ang dalawang buwan, bumalik sila sa Pilipinas at sumapi sa Kabataang Makabayan (KM).
Lumipat si sir Nic sa Unibersidad ng Pilipinas, itinuturing noon bilang sentro ng militanteng aktibismo. Isinapuso at isinabuhay niya ang nasyonalismo. Naging presidente siya ng Student Cultural Association of the University of the Philippines at pangkalahatang kalihim ng KM. Nang suspendihin ang writ of habeas corpus, 1971, kasama siya sa 63 wanted ng militar. Nang ideklara ang martial law, 1972, isa na siya sa mga namumunong kadre ng pambansa-demokratikong kilusan. Katunayan, sa pagpupugay ni Prop. Jose Maria Sison mula sa The Netherlands, sinabi niya na si sir Nic ay isa sa mga tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 26, 1968 at miyembro ng Komite Sentral hanggang 1974 nang madakip ng militar.
Ibayong katapangan ang ipinakita ni sir Nic sa harap ng kahayupan ng militar. Sa isang panayam ng PINOY WEEKLY, ikinuwento niya ang mapait na karanasan: “(S)a CSU o Constabulary Security Unit sa Kampo Crame . . . ginamitan (ako) ng physical at psychological torture. Sa isang pagkakataon, kaharap ko ang mga koronel, tinyente, kapitan, walang enlisted man . . . ako’y hubo’t hubad, ako’y nakaposas.…”
Buong rehimen, hindi lamang iilang opisyal, ang maysala sa malawakang pagpapahirap noong batas militar. Mga tulad ng isang Col. Guzman, ang humuli kay sir Nic at sa mga kasamahan niya, at ng noo’y Lt. Rodolfo Aguinaldo, na nanggulpi at nag-umpog ng kanyang ulo sa filing cabinet.
Bumalik sa pag-aaral si sir Nic noong 1982 sa UP. Pagkatapos, nagturo siya sa Departamento ng Filipino at Panitikan sa Pilipinas. Sa akademya, pangunahing pokus ng pag-aaral niya ang wika at panitikan ng pambansa-demokratikong kilusan. Nagbunga ang pag-aaral na ito ng isang libro, Kilusang Pambansa-Demokratiko sa Wika noong 1992.
Muli niyang dinanas ang lupit ng estado nang tambangan ang sasakyan nila nina Bernabe “Kumander Dante” Buscayno noong Hunyo 1987. Sugatan siya at si Dante, at patay ang dalawang kasamahan nila.
Taong 1998 o 1999 ko na ata naging guro si sir Nic. Masipag at aktibo siya sa klase, isang bagay na hindi masasabi sa akin. Gayunpaman, sinikap kong paminsan-minsang makipagtalastasan sa kanya, hinggil sa mga pag-aaral niya sa wikang Filipino, panitikan at pulitika. Nang sabihin niyang ang mga makabayang estudyante ay dapat na aktibong nakikilahok sa mga klase para mahikayat ang iba pa sa aming adhikain, sinikap ko nang maging aktibo.
Nakakahiya, pero nakakataba ng puso nang, sa pagtatapos ng semestre, makita ko ang gradong 1.25 sa aking class card. Katabi ng grado, ang dedikasyon: “Salamat, Kenneth.” Nakakahiya, dahil palagay ko noon, mababa dapat ang nakuha kong grado dahil sa ipinakita ko sa klase. Isa pa, ako nga ang dapat magpasalamat sa kanya, sa kanyang walang-sawang pagbabahagi ng mga kaisipan, ideya at opinyon.
Siyempre, seryoso si sir Nic sa kanyang paninindigan at pag-aaral, bagay na palaging napagkakamalan bilang “pagkamainit ng ulo.” Minsan, isang estudyante ang namilosopo sa klase. Tumaas ang boses ni sir Nic: “Dapat panindigan mo ang sinasabi mo! Anumang sinasabi mo, dapat pinapaniwalaan mo!”
Ikinagulat namin ang emosyon ni sir Nic. Pero ngayong inaalala ko iyon, naiintindihan ko na kung bakit. Buong buhay niya, naging tapat siya, isinabuhay niya ang mga salitang para sa ibang tao ay salita lamang. Tulad ng “pakikibaka” at “paglilingkod sa bayan” at “sakripisyo” na para sa iba’y retorika lamang na ipinalulutang sa hangin. Para kay sir Nic, dapat pinaninindigan mo ang binibitawan mong mga salita. Maging tapat ka. Bilang manunulat, lalo itong tumingkad sa akin, dahil, wika nga ni Petronilo Daroy, kaibigang malapit ni sir Nic: “It takes courage to be a writer.”
Ibayong tapang ang kailangan natin para maging isang Monico M. Atienza.
______
Sa Huwebes, Enero 25, 2007, 5: 00 ng hapon, paparangalan si Prop. Monico M. Atienza sa UP Film Center, UP Diliman, Quezon City. Ito na rin ang simula ng komemorasyon ng ika-37 anibersaryo ng First Quarter Storm ng 1970.
Sa araw ding ito, 10: 00 ng umaga, 1: 00 at 3:00 ng hapon, may film showing ang Departamento ng Filipino ng UP para mangalap ng pondo bilang pakikiisa sa Task Force Monico M. Atienza.