Of Punks, Prizefighters and Prisoners of Conscience
ONE OF THE SAGADA 11. Photo by Ariston Valle
WHILE waiting for pages to proofread in the office, I killed time watching
Hurricane, a film about Rubin "Hurricane" Carter, a talented prizefighter who was imprisoned for more than 30 years for a crime he did not commit. This seems to be a most fitting theme for our times , with the wrongful imprisonment of Rep. Crispin "Ka Bel" Beltran and the House "arrest" of the Batasan 5.
A lesser known but equally outrageous act of injustice has been done on the so-called Sagada 11 -- backpacking "pangkista" kids who were wrongfully arrested, tortured and detained by the police in Sagada.
Here is an article that came out in Pinoy Weekly about the Sagada 11:
Matapos mamasyal sa Sagada:KabataanTinortyur, Pinaratangang RebeldeLUNGSOD BAGUIO – Kakaibang karanasan ang ninais ni Rundren Berloize Lao, 24, mula Lungsod Davao, at mga kasamahan niya, nang magdesisyon silang umakyat sa kabundukan ng Sagada sa Mountain Province.
Ngunit kakaibang karahasan ang natanggap nila. Katunayan, muntik na silang mamatay sa pagpunta sa lugar.
Mula sa isang konsiyertong punk sa Tarlac, nagdesisyong pumunta sina Rundren at mga kasamahan niya sa Baguio noong Pebrero 11 para sa taunang Baguio Flower Festival doon. “Dahil sabi nila maganda daw ang Panagbenga,” ani Rundren.
Umaga ng Pebrero 14 nang makisakay sina Rundren sa isang dump truck sa Baguio-Bontoc Road (Halsema Highway).
Tanghali nang harangin sila ng mga pulis na naghahanap ng mga rebeldeng NPA (New People’s Army) sa isang checkpoint sa Brgy. Bangao, Buguias sa hilagang Benguet.
“Tinutukan agad kami ng mga baril na mahahaba,” salaysay ni Rundren, nanginginig pa ang boses dahil sa nangyari. Aniya, tinadyakan at minaltrato sila ng mga pulis. Puno ng mga pasa ang kanyang likod, binti at braso.
Tinali at pinosasan si Rundren at mga kasamahan niya, at dinala sa istasyon ng 1604th Police Mobile Group sa Kampo Molintas, Abatan sa Benguet. Doon pinahirapan sila ng mga pulis, ayon kay Rundren.
Piniringan sila at tinanong kung mga NPA sila. “Tinanong nila ako kung sino si Simon Naogsan,” ani Rundren, na maliban sa pagturing sa sarili bilang punk na naka-dredlocks na buhoy ay estudyante ng inhinyera sa University of Mindanao.
Dating inhinyero sa gobyerno si Naogsan na sumapi sa NPA noong dekada ’90 at tumatayong tagapagsalita ng Cordillera Peoples Democratic Front.
Pinagsususpetsahan ng pulisya na pinamunuan ni Naogsan ang pagsalakay ng NPA sa mga puwersa ng militar sa Brgy. Cabiten, Mankayan, Benguet noong Pebrero 10. Sa pangyayaring ito, tatlong sundalo ang nasawi at 23 mataas na kalibreng armas ang tinangay ng mga rebelde.
Ngayon lang umano narinig ni Rundren ang pangalang “Naogsan” at ang lugar na Cabiten kung saan naganap ang pagsalakay. Ni hindi nga aktibista sa eskuwela si Rundren.
Kinuhanan pa umano sila ng litrato (mugshots) ng mga pulis.
Gabi ng Pebrero 14 may mga paramilitar na dumating sa 1604th headquarters at tinuro sila bilang mga “NPA” na lumahok sa pananalakay. “Lima sa amin ang naturo at pinagbubuntal sa katawan,” kuwento ni Rundren.
Sinabi pa ni Rundren na kinuryente ang isa sa kanyang mga kasamahan sa isang kuwarto. Narinig pa nila ang mga hiyaw ng kasamahang kinuryente. “Isinusupot pa ang mga ulo namin. Pinipilit nilang paaminin na kami’y mga NPA,” sabi pa niya.
Napilitan silang umamin sa bintang ng pulis na mga aktibista sila para lamang matigil ang panggugulpi sa kanila.
‘Pagtakas’Hindi nagtagal, nagkaroon sila ng pagkakataong tumakas.
Gabi ng Pebrero 15 nang mag-inuman ang mga pulis sa himpilan. Habang naglalasing, isang pulis, may malaking katawan na sa tingin ni Rundren ay opisyal, ang pumasok sa kuwartong kinaroroonan niya at hinampas siya sa binti ng tabla.
Sa kalagitnaan ng paglalasing, nagkaroon siya ng pagkakataong tumalon sa bintana patungo sa ilog sa ibaba. “Nagpagulong gulong ako at tumama pa ako sa isang malaking bato pababa,” sabi niya.
Habang tumatakas, pinaulanan siya ng bala ng mga pulis. Buti na lamang at hindi siya tinamaan. Gayunman, nagtamo siya ng maraming sugat at isang baling binti dahil sa pagtakas.
Ginamit ni Rundren ang kaalaman sa pag-akyat ng bundok para sundan ang ilog patungong mga kabahayan sa isang komunidad. Walang bahay na nagbukas ng pinto sa kanya para painumin siya at bigyan ng damit para sa lamig. “Narinig siguro nila yung mga putok,” ani Rundren.
Natulog siya sa ilalim ng isang bahay at pinagbuksan ng may-ari ng bahay para bigyan ng tubig at damit kinaumagahan. Kinailangan pa niyang gupitin ang dredlocks na buhok para di agad makilala.
Nakarating si Rundren sa highway kung saan nakisakay siya sa mga dumaang sasakyan patungong Baguio. Nagmakaawa pa siya sa mga drayber, sabi ni Rundren. Wala siyang pambayad sa pasahe dahil kinuha ng mga pulis ang mga gamit niya.
Bumalik si Rundren sa Burnham Park para humingi ng tulong. Walang tumulong sa kanya. Pumunta siya sa opisina ng Department of Social Welfare and Development-Cordillera na siya namang nagpasa sa kanya
sa National Bureau of Investigation-Cordillera.
Ineksamen siya ng isang medico-legal officer ng NBI at kinuha ang kanyang sinumpang salaysay.
Pulisya pinapurihan paSamantala, pinapurihan pa ng hepe ng PNP (Philippine National Police) na si Arturo Lomibao ang mga pulis na umaresto kay Rundren at sa mga kasamahan niya. Sinuportahan ni Lomibao ang mga pulis na humuli at
nagmalupit sa grupo ni Rundren.
Katuwiran ni Lomibao, kinilala naman ng mga paramilitar na CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit) ang 11 na lumahok umano sa
pagsalakay.
Nahaharap sa kasong pagnakaw at pagpaslang ang 11, karamihan ay mga kabataan kasama si Rundren, sa Regional Trial Court branch 64 sa Buguias, Benguet.
Sila ay sina Aldoz Christian Munoza, 18, mula Santolan, Pasig City; Darwin Alazar y Padilla, 21, mula Tipuso, Urdaneta City, Pangasinan; Arvie Nunez
alias “Ka Palos”, 21, mula Silang, Mayaw, Lucena City, pinaghihinalaang political officer; Ray Lester Mendoza y Esquerra alias “Ka Petra”, 16, mula San Francisco, Makati City, binintangang “intelligence & investigation officer”; Neil Russel Balajadia, 25, mula Santolan, Pasig City, pinagbintangang radio operator; Jethro Villegas, 21, mula Malagos, Calinan, Davao City; Anderson Alonzo, 18, mula Malagos, Calinan, Davao City; Ronron Pandino, 20, mula San Quintin, Laguna; Frencess Ann Bernal, 15, mula Camupang, Marikina City; at Jefferson Dela Rosa y Dela
Cruz, 20, mula Santolan, Pasig City.
Ayon kay Benguet police director Villamor Bumanglag, si Rundren ang lider ng yunit ng NPA, may kodang “Pasiklab” at aktibong kumikilos sa mga bayan ng Capaz at Bamban sa Tarlac.
Sinabi pa ng pulis na nasa hilagang Benguet ang grupo niya para sa isang “test mission.” Matapos ang pag-atake sa Cabiten, “nag-regroup ang grupo sa Burnham Park sa Baguio City noong Pebrero 11 para planuhin ang kanilang susunod na misyon sa Mountain Province,” sabi ni Bumanglang.
Nasa kostudiya pa rin ng pulisya ang 10 samantalang muling inaresto noong Biyernes si Rundren para sa salang ayon sa kanila’y hindi naman nila ginawa.
nina Ariston Valle at K.R. Guda
'Using Democracy to Destroy Democracy', and Why Orwell Loves and Hates Tyranny
In one of those documentaries the Palace unleashed to justify the ongoing crackdown on militants, the military claims that the leftists are using the very institutions of government to destroy the government. No, actually the exact words were: The Leftists are using democracy to destroy democracy. They are purportedly all over government agencies (the documentary went on to mention Courage, the government workers' organization) and even in Congress in an effort to use state resources for their revolutionary agenda.
This puzzled me, if only for a while. The very rationale of this crackdown and the Proclamation 1017, after all, is to defend democracy. Gloria's proclamation even went as far as calling the Left the "historical enemies of the democratic state." All this talk about democracy, and yet the contents of the declaration entail curtailing the very democratic rights this government has sworn to protect.
The Inquirer editorial last March 21 is right in one respect, and it is that the state's doublespeak reminds us very much of Orwell's vision of totalitarianism. Arroyo and the military speaks of defending democracy but are the first ones to attack it.
One obvious reason for the doublespeak is that Arroyo is afraid of democracy. She naturally proclaims it because when she does she believes the people with respond in her favor, but she is afraid of democracy. The adage 'Even the devil can quote the Scriptures with impunity' is illustrative; we all know the devil fears the Scriptures, but it speaks of it anyway in an effort to hide its true intentions.
As for the Left using democracy to destroy "democracy," well, one has an idea what notion of democracy the military speaks of (democracy is when Arroyo stays in power?). And if what the military claims is true, that is, that the Left respects and observes democratic processes, is it not reasonable to conclude that they are not the enemies, but adherents, of democracy?
* * *
Orwell may disagree, of course. It is probably true that no novel evoked people's loathing for tyranny more than
1984. But the novel is also partly responsible for much negative views of socialism and left movements. 1984 can be read as a cautionary tale of ruling right-wing conservatives as much as it can be used to scare people off from "leftist" movements like the very one under attack today in the country. In fact, I could argue Orwell has provoked more antipathy towards the Left and socialism than true-blue tyrannical regimes like that of Marcos, Batista, Somoza, etc.
One obvious reason is that Orwell's idea of tyranny centers on only one aspect or facet of tyranny, and that is the suppression of civil rights. The bigger tyrannies -- class inequality and imperialism -- are nowhere in
1984.
Truth to tell, his caricature of totalitarianism may have even worked against those left movements who throughout history had struggled against real tyrannies/dictatorships.
Pagbawi sa Mendiola
Rebyu ng Mendiola
Dinirehe, Sinulat at Pinrodyus ng Sine Patriyotiko (Sipat), 2006
Kung tutuusin, may kalayuan pa ang tulay ng Mendiola sa mismong sentro ng kapangyarihang panggobyerno sa Malakanyang. Kung ilang pader, hilera ng barbed wire at tsekpoint pa ang kailangang daanan patungo sa Palasyo ng nakaupong pangulo. Hindi rin naman ito lang ang tanging daan papasok at palabas ng Malakanyang.
Pero kahit pa, naging simbolo na ang tulay na ito ng mahabang kasaysayan ng pagpupunyagi. Sa di-mabilang na pagkakataon, Mendiola ang nagsilbing entablado sa teatro ng pakikibaka laban sa mga nagdaang tiraniya. Minsan pang dumanak dito ang dugo ng mga magsasaka.
Ang kapirasong kongkretong ito na humihiwalay sa Pangulo sa masikip at masalimuot na trapiko ng taumbayan sa Kamaynilaan ang sentro ng bagong dokumentaryo ng Sipat o Sine Patriyotiko. Hindi ang Mendiola bilang lugar, kundi lahat ng emosyong naikabit na sa salitang “Mendiola”: ang “Mendiola” na kumakatawan sa kolektibong hangarin ng taumbayan para sa makabuluhang panlipunang pagbabago.
Sa mahigit 30 minutong dokumentaryo, sinipat ng Sipat ang imahen ng Mendiola sa kasaysayan.
Binisita nito ang Mendiola noong panahon ng Sigwa ng Unang Kuwarto (First Quarter Storm). Naganap ito noong unang kuwarto ng 1970, nang sumiklab ang malalakihang kilos-protesta ng kabataan at estudyante. Daan-daang libong kabataa’t estudyante ang humugos sa mga lansangang karatig ng Malakanyang, kabilang ang Mendiola, laban sa umiigting na pasismo ni Pangulong Ferdinand Marcos. Wala mang aktuwal na banta ng pag-agaw ng kapangyarihan, kinatakutan ni Marcos ang pagpapakita ng lakas ng kabataan at ng kilusang progresibo. Pandarahas ang itinapat ng pamahalaan sa mga protesta, na lalo lamang lumakas nang lumakas hanggang nagdeklara si Marcos ng Batas Militar.
Panahon ng diktadura ni Marcos nang ipagbawal ang protesta sa lansangan, lalung lalo na sa Mendiola. Ngunit lalong umigting ang pagpupumilit ng mga progresibo na maglunsad ng mga mabilisang pagkilos sa Mendiola.
Napabagsak si Marcos ng malakihang pag-aalsa sa isa pang kalye sa Maynila, ang EDSA, na naging simbolo naman ng isa pang uri ng pag-aalsa (mapayapa ngunit limitado). Nang maluklok si Corazon Aquino sa Malakanyang, di pa rin nakakamit ang mga hangaring ipinaglaban sa Mendiola, kung kaya’t nagpatuloy pa rin ang mga protesta. Umigting ang mga protesta hanggang maganap ang masaker ng mga magsasakang nagpoprotesta sa Mendiola noong taong 1987.
Gamit ang mabilis at makabagong mga pamamaraan ng video editing, pakuwentong narration at paggamit ng musikang rock sa Mendiola, magaang naihayag ng Sipat ang makulay at mapulang kasaysayan ng lugar. Bagaman may kasalatan sa video footage ng mga kilos-protesta noong dekada ’70 at laluna noong dekada ’80, sinikap ng mga may-likha na makabawi sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga naging saksi at kalahok sa mga digmaan sa Mendiola noong mga panahong iyon.
Malaki rin ang tulong ng pakikipanayam sa mga dati at kasalukuyang lider-kabataan, gayundin kina Renato Reyes ng Bagong Alyansang Makabayan, at Dr. Bienvenido Lumbera, makabayang iskolar, makata at manunulat (siya rin ang nagsulat ng titik sa Awit ng Mendiola, na ginamit sa dokumentaryo). Ipinaliwanag nina Reyes at Lumbera ang halaga ng simbolo ng Mendiola sa kasaysayan.
Malinaw ang layunin ng Sipat na ipaliwanag sa mga manonood kung bakit kinakailangang sikaping muling mapasakamay ng taumbayan ang simbolo ng Mendiola. Sa kasalukuyan, ayon sa dokumentaryo, bawal muling magprotesta sa Mendiola. Hindi man direktang nabanggit, tinutukoy ng Mendiola ang polisiyang Calibrated Preemptive Response o CPR ni Pangulong Arroyo laban sa mga raliyista. Bilang pagpapatuloy ng kasaysayan sa Mendiola, nagtuon ang mga may-likha ng mahabang panahon sa pagpapakita ng mga dispersal sa lugar kamakailan. Kabilang na dito ang mga tangkang “pagbawi sa Mendiola” ng mga militanteng kabataan noong mga buwan ng Setyembre at Oktubre 2005.
(Sa bahaging ito, maganda sanang naisama sa dokumentaryo ang pahayag ng alkalde ng Maynila na si Lito Atienza na hinding hindi siya magbibigay ng permiso sa sinumang grupo na magprotesta sa Mendiola. Aniya, anumang emosyong dinadala ng mga raliyista sa kanilang mga martsa ay tumitindi o lumalakas kapag nakakatapak sila sa Mendiola.)
Malinaw ang hangarin ng Sipat na ipaliwanag sa mga manonood ang halaga ng pagbawi sa “Mendiola”. Sa pamamagitan ng pagsuway sa CPR at “no permit, no rally” anumang panganib ng dispersal ang kapalit, ipinapamalas ng mga militanteng organisasyon na nasa taumbayan ang tunay na kapangyarihan. Sa pamamagitan ng pagbawi sa Mendiola, nabibigyang lakas ng loob ang iba pang igiit ang kanilang mga karapatan sa asembliya, sa malayang pagpapahayag, at sa pagsuway sa tiraniya.
Pahabol: Bagaman ginawa bago pa ang Proklamasyong 1017 ni Arroyo, patuloy na napapanahon ang mensahe ng Mendiola. Kamakailan, nagpamudmod ang Sipat ng mga kopya ng Mendiola sa Kongreso para kontrahin ang paglaganap ng mga bidyong pampropaganda ni Arroyo para bigyang katuwiran ang 1017.
Kamakailan, kinilala ang dokumentaryong Mula Sa Third Avenue Hanggang Dulo ng Sipat bilang Pinakamahusay na Dokumentaryong Bidyo ng Cultural Center of the Philippines, ang pangunahing kultural na institusyon ng gobyerno.
Kaliwa’t Kanang Kutsabahan?
Rebyu ng Paglaban sa Kataksilan: 1017
Ginawa at ipinamudmod ng Office of the President, Malacañang Palace, Marso 2006
Sa loob ng 15 minuto, inihayag ng Paglaban sa Kataksilan: 1017 ang plano diumano ng “Kaliwa at Kanan” na pabagsakin ang gobyerno Arroyo.
Sa pagitan ng mala-powerpoint presentation na detalayadong paghihimay sa “Oplan Hackle”, kinapanayam ng mga maylikha sina Hen. Generoso Senga, punong hepe ng AFP (Armed Forces of the Philippines) at Hen. Hermogenes Esperon, hepe ng Philippine Army. Batay sa kanilang mga salaysay, isang malawakang plano para sa pagpapatalsik kay Pangulong Arroyo ang matagal nang binubuo ng mga magkakakutsabang kalaban ni Arroyo.
Pangunahing tinuturo ng bidyo ang mga personahe ng CPP-NPA (Communist Party of the Philippines-New People’s Army) bilang utak ng konspirasiya. Nagkaroon ng kasunduan ang CPP-NPA at ang mga “maka-kanang” grupo sa pamumuno ni dating senador Gregorio Honasan Jr. at ang sundalong Magdalo para ipatupad ang “Oplan Hackle”. May tatlong plano (Plan A, B at C) diumano ang grupo, at kasama sa implementasyon ang paggamit ng puwersang militar ng mga sundalong napalahok ni Honasan, gayundin ang mga lider-oposisyon at mga “prenteng organisasyon” ng CPP.
People Power tulad ng naganap noong Pebrero 1986 at Enero 2001 ang nais diumano ng grupo para mapatalsik si Arroyo. Sa ilalim ng Plan A na magaganap sana noong Pebrero 24, sa anibersaryo ng pag-aalsang People Power, layon ng grupo na maglikom diumano ng daan-daang libong katao sa EDSA at sa palibot ng Malakanyang, samantalang magsasagawa ng pag-atras ng suportang militar kay Arroyo ang mga kasangkot na opisyal ng militar.
Sa pagkakataong mabubuko ang naturang plano, ipapatupad ang dalawa pang natitirang plano. Kabilang sa mga ilulunsad ang pagsalakay sa mga piling sentro ng kapangyarihan ng gobyerno (Malakanyang, Batasan Pambansa, Senado, Philippine Military Academy, UP, atbp.), habang naghihintay sa mga mamamayan na bumuhos sa lansangan at magsagawa ng People Power.
Hindi na bago ang retorikang ginagamit ng bidyo para ikatwiran ang pasismong ginamit ng gobyerno matapos ang Proklamasyong 1017. Panahon pa ng diktadurang Marcos, palagian nang ikinakatuwiran ang kutsabahan diumano ng “Kaliwa at Kanan” para pabagsakin ang gobyerno. Hindi na rin bago ang pagbabansag sa mga legal na progresibong organisasyon bilang “prenteng organisasyon” ng CPP at “kaaway ng estado.” Ipinapakita lamang nito na opisyal na polisiya ng gobyerno Arroyo ang pag-atake sa mga aktibista na kumikilos sa legal na arena, tulad ng pagpatay sa daan-daang di-armadong militante.
Ngunit sa kabila ng mga malisyoso at mapanganib na pagbabansag, hindi naman talaga mahirap paniwalaan ang mga isinasalaysay ng bidyo na “kutsabahan”. Ganito rin, kung tutuusin, ang naganap sa mga dating pag-aalsang People Power, laluna ang naganap noong Enero 2001 na nagluklok kay Arroyo sa Malakanyang.
Ang pangunahing kahinaan ng bidyo ay ang kapalpakan nitong ipakita kung ano ang masama sa “kutsabahang” ito. Kung mabuti ang naganap noong Enero 2001 na nagluklok kay Arroyo (at natural lamang na ituring ni Arroyo na mabuti ang naganap noon), ano ang masama sa pagkakataong ito? Pumalpak din ang bidyo na ipamalas na masama para sa mga mamamayan kung maaalis sa puwesto si Arroyo at mapapalitan ng “transisyong konseho.”
Kung may tagumpay mang nakamit ang bidyo, ito ay ang pagpapakita sa tunay na layunin ng Proklamasyong 1017: ang mapanatili sa poder si Arroyo at mga kapanalig nito, sa kabila ng “kaliwa’t kanang” pagtutol sa kanyang pamumuno.